Mabuhay Filipino Thinkers!
This is a Tagalog-English political opinion for the benefit of our strong 200,000 viewership base. I personally believe that what the Iglesia Ni Cristo is currently doing is a clear manifestation of their confidence to go head-on against our Govt and the Rule of Law as if they own the whole Philippines and has the capacity to walk away with anything smoothly.
READ MORE : INSIDER : INC Executive Council’s Main Concern Is The Non-Bailable Case | Think Philippines!
Presidential Palace of the Philippines
We are talking about the same people with a good history of influencing our politicians’ decision making process in almost everything. Tayo po ba e papayag na may isang minorya na gusto diktahan ang direksyon ng ating bayan?
Ako po ay lubusan na naniniwala na ang isang demokrasya ay hindi lamang para sa iilan kung hindi para sa lahat. Pero kapag tayo po ay may direktang intensyon na mang abala. Ano po ba ang tawag dito? They are directly and consciously violating the rights and freedom of every Filipino people to navigate and live a normal life!
INC MEMBERS BLOCKING SHAW BLVD.
Hindi naman po national issue ang sa kanila. Hindi naman po ito isang immoral na issue. Ang issue nila ay ayaw nila na imbistigahan sila dahil sa “Separation of State and Church” ? Eh bakit kung ganyan pala ang punto nyo, bakit kada eleksyon endorso kayo ng endorso ng kandidato. Bakit kung ganyan ang punto nyo? Palagi kayo nakikipag ugnayan na mag appoint ng mga INC members sa influential positions sa Government.
Kung tunay at lubusan na gusto nyo ng separation of state and church, bakit hindi nyo hayaan na imbestigahan kayo kung wala talaga kayong tinatago?
Sobra na ang walang habas na pananakal at pangho-hostage ng Sanguinan ng Iglesia Ni Kristo sa mga pulitiko natin. Hindi lang mga botante na nagbebenta ng boto ang problema ng bayan natin kung hindi ang mga Simbahan na direktang pinipilit ang kanilang layunin para sa bansa na kadalasan ay sariling organisasyon lang naman nila ang nag bebenepisyo.
READ MORE : INSIDER : INC Executive Council’s Main Concern Is The Non-Bailable Case | Think Philippines!
What is happening to our country is a mockery of law! Hindi ako pro-leftist ngunit bakit kapag sila ang nag rally, batuta at water cannon kaagad ang bumubungad sa kanila pero kapag ang isang simbahan na direktang nag utos na i-sabotage ang ekonomiya ng pilipinas sa pamamagitan ng pag harang sa EDSA, tayo ay nakikipag negosasyon pa?
Kapag ito ay kononsinte ng gobyerno, binibigyan nila ng saysay na ang Pilipinas ay para sa iilan lamang. Paano naman ang mga kapatid natin na Muslim na patuloy sa pakikibaka para sa “freedom of expression” and autonomy habang nakikita nila ang mga naka upo at kasalukuyan na Trapo ay pinaglalaroan lang ang ating demokrasya.
Ito ba ang demokrasya na kinamatayan at binuwisan ng buhay ni Rizal at iba pa natin na mga bayani at lolo?
SUGGESTED ARTICLES THAT YOU MAY LIKE :
UP CLOSE! Understanding HMO/Health Card In 10 Minutes | Think Philippines!
Understanding Mutual Funds in 5 Minutes For Newbies | Think Philippines!
UP CLOSE! Benefits Of Getting A Variable Universal Life Insurance Plan (VUL) | Think Philippines!
Hanggang kailan tayo magpapa alila sa mga simbahan. Mga kaibigan, ito ay animo’y pang aabuso ng mga prayle noong panahon ng mga Kastila.
Wag tayo papayag na patuloy na alilain ng mga INC Pastors and Sanggunian members ang mga miyembro nila na kapag hindi sumunod ay mapapatawan ng parusa o ititiwalag.
This is an economic sabotage allowed by the whole Sangunian Members! They should be charged! This is not a people power because they were all ordered to do this!
Tama na! Sobra na!
Source : Google Images
If The PHL Govt Will Condone The Shenanigans Of INC Many Will Join The Revolution!
Bakit ko nalaman ito?
BECAUSE I WILL BE ONE OF THEM WHO WILL JOIN TO CORRECT THE SYSTEM OF CORRUPTION AND A POSSIBLE CONDONATION OF CRIME AGAINST THE FILIPINOS!
About The Editor-In-Chief of Think Philippines!
Edwardo Miguel Guevarra Roldan
- Lead Convenor of Isang Samahan, Isang Pilipinas (ISIP) and Think Philippines!
(+63) 927 646 0088 WhatsApp/Viber/Philippine Mobile Number
edwardomiguelroldan@gmail.com
http://www.fb.com/ThinkPhilippinesBlog
Note :
To post articles here at Think Philippines, you may email it to: isangsamahanisangpilipinas@gmail.com or by simply commenting it on the field provided below.
Thank you for supporting us