Opening Note from the Editor-In-Chief of Think Philippines!

Hello Filipino Thinkers!

MABUHAY!

This article will be written in a combination of Tagalog and English to establish a better personal connection to all our Filipino Seafarers around the world.

We would like to share with you that this article doesn’t claim monopoly of what is advisable and ideal for your financial goals ;  however, we adhere to an investing principle that an informed choice will always be better than an emotional choice. Also, we would like to give credit in an online article that we saw from www.seamanjobsite.com whereas it also gave us a better starting point on what to research about the life of a Filipino Seafarers.

We look forward that you can share this message to all of our “Ka rancho, Ka barkada, Ka tropa, Kapatid” on board.

For a better Philippines!

Migo Roldan.

Okay, let us start the series of article by pointing out and accepting the Top 7 most common mistakes Seafarers do with their money. This article will be based from our numerous 1 on 1 interview and surveys that we conducted for 15 days all around Malate, Intramuros area and we even went as far as Bacolod City to have a deeper understanding on what is the real state of the financial literacy that our current Seafarers have.

ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

1) Seafarers depend on the ship’s benefits. Most seafarers rely on the benefits their ship owners and agencies have given them. Seafarers  must learn that whatever privileges they get, it is temporary and can’t support you  offshore.

  • In short, dahil masarap ang buhay sa barko at maraming benepisyo – nakalimutan ilagay sa sarili na panandalian lang ito and hindi guarantee na pwede ka i-renew ng contract. Meaning to say, pag hindi na renew ang contract mo, putol na lahat. Apply ka ulit sa Malate, Intramuros area.  Also, naging common mistake din ito ng mga galing sa probinsya na instead mag tabi ng pera dahil sa mga libreng benepisyo na nakukuha. Inuubos sa mga gimik kada pag daong sa pier.  Ang ending, pag uwi sa Pilipinas, pa inom ng konti sa barkada at kamag-anak tapos ayon, Seaman Loan na naman ang hinahanap.

2) Seafarers fail to avail a personal insurance. Though there are benefits for seafarers while on board, it is also a must that you take on a life insurance which you can depend on after you resigned. Start having your life insurance  as early as possible.

  • Life Insurance is something not familiar to Filipino families. They just see this as a tool na pag namatay ka, may makukuha ka. However, Life Insurance evolved a lot during these past decades. Let us say that Life Insurance is not all about Death Benefit, marami na syang Living Benefits. Parang privatized na SSS retirement fund na sya. Meaning, may option ka mag hulog ng 5,000php a month for 10 years or 600,000 pesos total principal in 120 months after non, may makukuha ka ng benepisyo on top sa death benefit. Pwede mo syang i-claim na may kasamang interest sa kinita depende kung ano ang performance ng “fund”.

To learn more about VUL/Insurance , Mutual Funds, UITF : CLICK HERE!

ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

3) Failure to consider medical insurance. Admit it or not, this is one important thing that seafarers usually neglect. It is true that seafarer’s medical expenses will be paid by the shipowner, but only while you’re on board or still under the contract. So it is also a must that you get a medical insurance not only for yourself, but for the whole family as well.

  • HMO or Medicard, parang pinaganda na PhilHealth pero mas mataas ang coverage, Napaka laking tulong nito kapag na ospital ang kahit sino sa pamilya habang ikaw ay nasa barko. Imagine mo ito, pag na heart attack or may emergency sa pamilya na nangyari. Instead na mag hanap ng pinaka murang ospital dahil walang pera sa bahay ang pamilya. Ang hahanapin ay pinaka malapit at magaling na ospital. Bakit kamo? Dahil ang HMO or mga Medical Insurance ay kayang mag bigay ng hanggang 150,000php (depending on the plan or package that you purchased) kada card holder. Nababasa mo ay tama, 150,000php worth of medical expenses. Hindi kailangan mag dala ng mataas na pera, basta may 2 govt ID ka at dala mo ang card, pwede kana ma admit sa ospital on top pa sa benepisyo na pwede makuha from PhilHealth. Laking tulong dba? Alam mo ba kung magkano lang kada taon ito, 10,000php to 12,000php per head on top rin ito na sa mga “riders”na pwede naman makuha from your Life Insurance. Ang pagkaka alam ko kasi, may mga restrictions sa Seafarers para sa riders sa insurance pero ang mga beneficiary mo sa Philippines pwede sila maka avail ng mga medical allowance up to 5,000php per day kada araw na nao-ospital ang insured.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

4) Failure to make plans. Most seamen live on what they have, forgetting to prepare and plan ahead. Planning is the best step to make. If it helps to have a financial adviser, seek one. Proper planning can change a seafarer’s life.

  • Karamihan ng Seaman ngayon ay galing sa probinsya at hindi angat ang pinanggalingan pamumuhay. Dahil sa biglang pag asenso at laki ng kita na pumapasok, kasabay ng pagbabayad ng mga training fees at utang ay pag bili ng mga bagay na matagal na nila gustong ma bili katulad ng kotse ( na hindi naman magagamit madalas dahil ikaw ay laging nasa barko at kadalasan utang pa ) at samu’t saring alahas. Pero ang tanong, ano ba talaga ang kailangan mo dito?
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
  • Kung ikaw ay bibili ng kotse example at utang pa for 5 years, maniwala ka sa hindi 34% to 50% ang interest noon sa bangko. Para sa isang bagay na hindi mo naman madalas magagamit dahil ikaw ay nasa barko at hindi rin naman praktikal sa iyong pamilya dahil sa mahal ng gasolina. Also, hindi ba mas magandang unang bilin or pag ka gastusan ay ipon para sa negosyo? Dahil ang negosyo ay pwede patakbuhin ng iyong pamilya sa Pilipinas at pagka kuhanan ng “alternative” source of income on top pa sa padala mo habang ang kotse ay dagdag gastos lang. Sa negosyo, pwede sila makabili ng kotse pero sa kotse malabo na makapag negosyo sila unless may LTFRB Taxi Franchise ka worth 250,000 pesos na ngayon sa NCR or ipapasok mo sa GrabCar or Uber.
  • Also, Napaka halaga ng pag gawa ng Financial Planning, ito ay direksyon mo. Kung saan ka papunta base sa aspetong financial. Dapat alam mo na kung ano ang negosyo na gusto mo, ano ang bahay na gusto mo, ano ang ibibigay mo sa mga kamag anak mo at gaano ka tagal mo ito pag iipunan. Hindi dapat na pagka hawak ng pera, bahala na kung ano ma isip mo bilin at gawin, yoon ang una mong bibilin.

Learn more about the Top 10 Financial Goals For FIlipinos Before You Reach 30s in 10 Minutes by CLICKING HERE!

5) Not saving for an emergency fund. Since you are often out in off shore and far from your family, it is only normal that you set up an account which will be your accessible for to your family in times of emergency. Seafarers’ allotments usually cover only the everyday expenses of the family – food, clothing, house, and education for the kids, and little will be left for savings. So when an emergency happens, looking for  an funds will be an additional burden.  Ideally, it should be at least 100,000 pesos.

ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT
  • On top sa Medical Insurance/HMO at Life Insurance, napaka importante din na ang pamilya mo ay meron at least 100,000php na hindi nila pwede galawin any time sa bangko. Gagalawin lang ito pag emergency katulad na kung nasunugan, na ospital at iba pa. Hindi ito pwede galawin dahil wala lang pambayad ng kuryente, dahil hindi emergency iyon. Imaginin mo ito, ang bunso nyo ay na ospital, dahil meron syang Medical Insurance dinala sya sa ospital at walang bayad kahit piso. Dahil meron syang Life Insurance, kahit papano yung “riders” nya ay compensated sya ng 5,000php kada araw (depending on the package and plan) pero parang may kulang at hindi tayo na anticipate? Paano pupunta si Bunso sa ospital? Paano kakain ang mga bantay sa ospital? Paano kung may pinabibili na gamot? Habang ang medical insurance at life insurance ay kaya mag bigay ng medical reimbursement, kailangan mo pa rin ng pera pam bili nito at pang gastos. Instead na ikaw ay di maka tulog kaka isip kanino mangungutang, ang gagawin ng misis mo ay kunin lang ang “emergency fund” sa atm nyo at wala ka ng iisipin. Update kana lang nila. Maganda,diba?

6) Seamen don’t start saving early. This is one step that seafarers should do right away. It may be hard for some, but it is a must. The habit of saving early is a good practice for every person. This will ensure you of a fund that you can rely on in the future, aside from the insurances.

PAID ADVERTISEMENT
PAID ADVERTISEMENT
  • Ito ay pinaka importante, we highly suggest na mag invest sa Mutual Fund kada daong para sa future. Bakit sa Mutual fund? Sa napakaraming rason, ang bottomline ay pera mo ay mapapa lago ng fund manager na kadalasan up to 20% per annum ito. On top pa don, pag kailanganin mo sya pwede mo ma withdraw anytime na usually may sobrang liit na exit fee lang na amounting to 1% to 2% (Depending kung naka lock in period pa na usually 90 days to 2years). Magaling dba? Paano nalang kung sa condo ka bumili, kailangan mo pa humanap ng agent, magbabayad ka pa ng kung ano-anong taxes, haba pa ng tawaran. Eto parang bangko, punta ka lang, redeem mo, tapos na and usually naman may “Certified Investment Solicitor or Financial Wealth Planner” ito so hindi ka maabala, meron kang partner na tatawagan mo lang. Normal na ito sa ibang bansa lalo na sa first world country. Ang investment sa mutual fund ay nag uumpisa sa 5,000php.

READ MORE : Top 10 Things You Need To Know About Mutual Funds In The Philippines

ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

7) Investing without goals. Many seafarers do this. Investing just for the sake of having an investment. invest because of your goal. You just don’t buy a big house because you want to boast but because you’re preparing a home for a family that you would like to or that you already have. Always remember that no investment should be done without a specific goal in mind. –

  • Napaka dali mag sabi na ikaw ay may investment or nag invest na sa lupa sa probinsya. Pero ang tanong, ano ba ang plano mo or goals? Kasi ang lupa oo maganda iyan na investment pero ang tanong mo palagi sa sarili mo. Paano mo ito mapapagka kitaan at magagawang pera? Ibebenta, mag babayad ng napakadaming tax and fees. Pero ang tanong may bibili ba? Kadalasan na napansin namin sa mga Seaman, ang binibiling lupa ay hindi “prime” malaki nga pero walang demand. Ang ending napaka tagal ma benta or naisasanla na lang na sa kasamaan palad binili mo ng 2,000,000 pesos (2m) ay naisasanla mo lang ng 200,000 pesos (200k) tapos nareremata pa kina yaunan dahil sa taas ng interest.
  • Dapat ang pag pla-plano ay may short term or 3 years, mid term or 5 years at long term na 10 years. Imagine mo kung ilang long term plan ang kaya mo gawin sa 30 years na pag si-seaman kung ikaw ay mag uumpisa ng 25 years old sa paglalayag. Bago mag 55 years old naka 3 long term plan kana. 5 years before sa 60 years old na retirement age or senior citizen age sa PIlipinas. Napaka ganda dba?Ano ba ang mga uri ng pwede mong gawing short term, mid term, long term plan.

1) SHORT TERM in 3 years  : kotse, bayad utang, tuition fee,regalo or lambing sa mga nagpa aral sayo dati at naka tulong, Mga bagay na hindi mo pa nabili dati, lambing na outing sa pamilya, pag establish ng investment fund para may ma umpisahan kana ng pag ipunan, medical insurance at life insurance. sa panahon na ito, swerte ka kung hindi mo kailangan mag lambing sa pamilya or mag bayad ng utang. diretso ka mag tayo ng negosyo.

2) MID TERM in 5 years : dapat wala ka ng utang, may insurances kana, may emergency fund kana, may na ipon ka ng pang negosyo, may kotse kana.

3) LONG TERM in 10 years : sa panahon na ito, kahit sino man pinag aaral mo ay malamang graduate na, kompleto kana rin ng mga gusto mong bilin noong wala ka pang pera, dapat kung nalugi ka man sa negosyo sa mid-term plan mo meron ka ng ulit ipon dito, dapat sa mga panahon na ito, meron ka ng bahay na naayon sa plano mo.

Imagine mo ang buhay mo, ang mga pagkakataon na pwede mo baguhin ang plano mo sa loob ng 10 years? 3 beses ka may chansa mag plano sa isang 10 years or dekada. Hindi ito mabilis pero reasonableng oras ito para maayos ang buhay mo.
imagine mo ilang beses ka pwede magka mali at makapag plano sa loob ng tatlong dekada. 9x in 30 years.
Ilang beses ka pwede mag negosyo at malugi in 30 years. Napaka rami.

Para mas madali ang iyong pag pla-plano, mag hanap ka ng Financial Wealth Planner na mapapagkatiwalaan, lahat ng tao ay may kino-consulta sa pera. Kahit si Manny Pacquiao pa ito o yung simpleng Binondo Hardware owner. Tandaan, two heads will always be better than one.

Sa pang tuldok na mensahe, lagi ho natin tatandaan na ang pag mamarino ay hindi habang buhay. Mas mabilis ka mag plano at mas maayos ang plano mo, mas abanse ka. Mas maaga ka nakapag long-term goal, mas maganda dahil imagine mo kung may nag click ka na negosyo. Hindi mo na kailangan mag ibayong dagat para sa 100,000php to 200,000php a month.

Lahat ito ay posible basta may tamang pag pla-plano, gabay sa mas eksperto at tamang kaalaman.

OPPORTUNITIES WILL ALWAYS COME WITH RISK, TAKE THE RISK WISELY! DARE TO FAIL!

READ MORE :  UP CLOSE! A 2007 Mutual Fund Investor Earned 9.4m in 78 months!


About The Editor-In-Chief of Think Philippines!

1

Edwardo Miguel Guevarra Roldan

Lead Convenor of Isang Samahan, Isang Pilipinas (ISIP) and Think Philippines!

Financial Wealth Planner at FWD Life Philippines

Financial Investment Advisor at Rampver Strategic Advisors

(+63) 927 646 0088 WhatsApp/Viber/Philippine Mobile Number

edwardomiguelroldan@gmail.com

http://www.fb.com/ThinkPhilippinesBlog

Note :

To post articles here at Think Philippines, you may email it to: isangsamahanisangpilipinas@gmail.com or by simply commenting it on the field provided below.

Thank you for supporting us

3 thoughts on “TAGLISH : Top 7 Important Money Tips For Filipino Seafarers In 30 Minutes | Think Philippines!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s